Saturday, June 25, 2011

Usapang Utot

Dahil wala akong magawa, ito nalang ang pag-iisipan ko. Lahat tayo umuutot. Imposible naman kung hindi kasi ibig sabihin no'n abnormal ka. May nabasa ako sa Internet na an average person daw produces about half a liter of fart gas a day. Ang echos 'no? Sa mga observations ko, kahit ang utot ay may iba't ibang klase. Depende na rin siguro sa sitwasyon mo at kung ano ang kinain mo.
Mga klase ng utot:
  • Volume - Ito yung utot na mahina sa simula at unti-unting nagiging malakas. Nahihiya pa kasi ang utot na 'to na lumabas. Sa observations ko, hindi naman masyadong mabaho ang ganitong utot. Mejo mabaho lang siya pero hindi naman grabe. Nalilito pa siya sa timing ng may-ari niya. Lalabas na ba ako o hindi pa? Pag-chur uy!
  • Pop-pop-pop - Parang popcorn lang na pumuputok. Minsan, nagpo-pause muna siya, then "pruuut!" Biglaan lang. Minsan, walang amoy 'tong utot na 'to. Minsan din, may amoy. Pero kung may amoy naman, sobra-sobra naman ang baho. Tae, ano ba naman 'yan.
  • Jackpot - Ito 'yung utot na jackpot. Jackpot dahil inubos na lahat. Walang tinira, inubos na talaga. Minsan, you'll feel relieved pagkatapos mong pakawalan ito. At dahil jackpot, ibig sabihin malakas 'to -- malakas na parang bomba at grabe din ang amoy. Phew.
  • Inevitable - Pilit mong pinipigilan, pero ayaw niyang magpapigil. Bigla nalang siyang lumabas ng walang paalam. Kung se-swertihin, walang tao ang makaka-notice na umutot ka. Pero kung mamalasin, sigurado akong tatawanan ka nila. Gumawa ka nalang ng palusot o di kaya manalangin ka na may tatanggol sa'yo.
  • Biglaan nalang - Hindi siya nagpasabi. Biglaan nalang siyang lumabas na wala man lang signal o di kaya hindi siya nagpaalam sa'yo. Nakaka-inis ang utot na 'to. Minsan kasi napapahamak ka e. Buti nalang, ang mga ganitong utot ay hindi masyadong malakas. Minsan, gumagawa ng ingay pero hindi naman gaano kaingay kung ikukumpara mo kay Jackpot. Pasalamat ka nalang..
  • Pigilan mo ako! - Ito 'yung utot na hindi ka sigurado. Feeling mo kasi may kasamang tae. Ipapalabas ko ba o hindi? Baka may tae e... Pa'no naman kung wala? Minsan, hindi mo na nare-realize na kausap mo na ang sarili mo. (Ayy, baka ang utot ang kausap niya?) Ano ba utot?! Magdesisyon ka!
  • Buy one, take one - Ito na. Ito na talaga ang pinakahihintay nating lahat. Ito 'yung utot na buy one, take one. Ibig sabihin, may kasamang tae ang utot na 'to. Utot lang ang hiningi mo e, binigyan ka pa ng tae. Sa'n ka pa? May libre ka pa oh. Wala ka nang hahanapin na iba. Heto na siya, the best siya e!
Ito lang ang na-isip ko e. Ito lang talaga ang lumabas sa utak ko. Base sa experiences ko, (Hahahahahahahaha! Ge, tawa pa) ito ang nabibilang sa 'usapang utot' ko. Sigurado akong madami pang klase ng utot diyan, sigurado akong may mas mabaho pa, may mas malakas pa. Pero ito lang ang alam ko.
Ikaw? Anong kwentong utot mo?

No comments:

Post a Comment