Saturday, June 25, 2011

Pinahiya, napahiya.

Isa akong napakawalang kwentang tao. Nagawa ko ang isang napaka-walang kwentang bagay. Hindi ko rin maintdihan kung bakit ko 'yon nagawa at kung pa'no ko ginawa sa mismong tao pa na bumuhay sa'kin. Miserable ako ngayon, hindi ko na alam kung bakit nagagawa ko pang ngumiti. At hindi ko din alam kung bakit ngumingiti pa siya. Wala akong kwenta, wala talaga akong kwenta. Sabi nila matalino daw ako, pero mali sila. Isa akong bobong, walang kwentang tao. Hindi ko na alam ang gagawin ko e. Habang umiiyak kaming dalawa, hindi niya magawang tignan ako sa mga mata. Nahiya ako sa sarili ko. Ang sama-sama ko palang tao.

Umiyak ako, kahit tapos na ang aming pinag-usapan, umiyak pa rin ako. I bumped my head on the wall. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko 'yon ginawa. Masakit, pero mas masakit 'tong nararamdaman ko. May napakaliit na boses na nagsasabing, "Magpakamatay ka na. Wala kang kwenta." May punto siya, pero may pumipigil sa'kin. Hindi ko alam kung ano 'to or what pero sinasabi niya sa'kin na wag daw. Malakas siya sa'kin dahil nagawa kong sundin ang suggestion niya.

Magpapakamatay ba ako? O hindi nalang?

No comments:

Post a Comment